'Wag mo ng pahirapan sarili mo... Mag-move on ka na!
Gan’to gawin mo:
- ‘Wag ka ng mag-assume! Kung iniwanan ka na niya, ‘wag ka ng umasang babalik pa siya. ‘Wag mong isiping mahal ka pa rin niya. Kasi kung mahal ka talaga niyan, hindi ka naman niya iiwanan.
- Friends! Sila ‘yung taong magpapasaya sa’yo sa panahong nalulungkot ka eh. Sila ang unang-unang magko-comfort sa’yo, dahil sila rin panigurado ‘yung mga taong unang napagsabihan mo ng break-up niyo. Iwan ka man ng syota mo, hinding-hindi ka nila iiwan ng mga ‘yan!
- Iiyak mo lang! Kahit araw-araw pa ‘yan, kahit oras-oras, gabi-gabi. Minsan, sa sobrang hirap at sakit na, namamanhid ka na eh. Kaya kahit papano, tatahan ka rin sa pag-iyak mo. Ilabas mo lang ang mga luhang ‘yan sa mata mo, ‘wag mong pigilan. Normal lang naman ‘yan eh. Hindi pagiging mahina ang pag-iyak, tandaan niyo ‘yan.
- Okay lang maging bitter. ‘Wag lang sobra. Mahirap magpatawad ng taong minsan kang sinaktan. Pero bago mo masabing nakapag-move on ka na talaga, dapat alam mo rin sa sarili mong wala ng galit na natitira dyan sa sarili mo para sa kanya. Para naman hindi ka nasasabihang, “Biiiittttttteeeer!!!”
- Acceptance. Dito lang naman lahat mag-uumpisa ‘yang pag-momove on na ‘yan eh. Tanggapin mong walang wala na kayo. Tanggapin mong iniwan ka na niya at mas tanggapin mong hindi ka na niya mahal at hindi na ikaw ang taong nagpapasaya sa kanya.
- Give yourself a chance to fall in love with someone new. Hindi naman ‘yung agad-agad may kapalit na, hindi ‘yung gagawin mo siyang panakip-butas o rebound mo lang. Ang sabi ko lang eh, hayaan mong mahalin ka ng ibang tao, bigyan sila ng oras, you may never know, isa pala sa kanila ang magiging dahilan kung bakit masasabi mo sa iba na, “Past is past. Naka-move on na ako!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento