Abril 23, 2012

Just hold on



Bakit nga kaya bumibitaw ang tao sa pagkakahawak nito?
Marahil dumadating sa punto na nagsasawa na ang mga ito, siguro yun na lang ang nakayanan ng puso niya. Masisisi mo ba siya? Eh tao lang rin naman siya. Minsan napakadaya lang talaga dahil ikaw eh binigay ang lahat ng gusto niya at minsan nga tanggap mo na halos ikaw na lang ang nagbibigay ng pagmamahal na yun. Ang sayo na lang eh maging masaya siya sa mga ginagawa mo. Pero dumadating talaga sa puntong kailangan na nila tayong iwan.
Minsan dapat maging masaya na lang tayo sa desisyon nila. Kesa mag hold on sila na niloloko ka na lang nila eh sinabi na lang ito sa iyo ng hindi ka na mahirapan at hindi na sila dumating sa punto na mag sisinungaling pa sila sa taong minahal nila.
Nagmahal ka eh, parte ng pagmamahal yan. Masasaktan ka at masasaktan hangga’t makita mo na yung taong magsasalba sayo sa kalungkutan.


Wag kang bumitaw, please? :l

Xoxo,
TCL

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento