Abril 23, 2012

Space ba kamo?


 May mga pagkakataon talaga na umaabot sa point na nakakasawa na. Yung parang nao-OAhan ka na sa sobra niyang pagiging concerned. Na naiinis ka na sa sobra niyang pagmo-monitor niya sayo, 24/7. Kung nasan ka, anong ginagawa mo, kung kumain ka na ba, sino kasama mo at kung anong oras ang uwi mo. Nagiging paranoid siya agad kapag number busy yung cellphone mo. Kapag late reply mo ng kahit 5secs man lang. Gusto niya kayo lang ang magkausap, magkasama. Di ba nakakaumay din yun?
          Minsan din, nakakasawa na din yung away-bati niyong relasyon. Simpleng bagay lang nauuwi na agad sa sigawan at sumbatan and worse, nauungkat pa talaga ang mga nakaraang issues na dapat di na dapat pagusapan, kasi nga, tapos na. Ayun, kahit di ka lang nakapagtext ng simpleng “Good Morning” sa kanya, issue na agad. Hanggang umabot sa pagaaway na nasali na si EX, na nasali din yung time na nakalimutan mo siyang sunduin, blah blah. Paulit-ulit. Nakakabobo. 
          Nakakasakal. Oo. Sobra. Yung gusto mo ng space muna kasi di mo na alam ang gagawin kasi isang maling galaw mo lang, bam! Away na naman. Tapos kung susuyuin mo na siya para magbati kayo, with all the flowers,chocolates at kung ano pa dyan para mapagaan lang loob niya, wa epek pa din. Kasi ayan na naman ang larong pataasan ng pride. Nilunok mo na yung iyo pero siya, andun pa sa plato niya. Di man lang nagalaw. Nakakapagod din db? 
          Pero wag ka, kahit ganun ang nangyayari sa inyong dalawa, tandaan mo, na kapag siya napagod din kasi pagod ka na din? Magsusukuan kayong dalawa. Ikaw sa pagiintindi sa kanya at siya sa pagmamahal niya sayo ng sobra na ayaw niya lang talaga na mawala ka sa kanya. Pustahan tayo, kapag nangyari yun, makikita mo sarili mo na nagaabang ng texts sa kanya. Naghihintay na pansinin niya at maibalik yung dati na meron kayo.
          At huli, hahanapin mo yung mismong SIYA. Hahanap-hanapin mo yung pagiging “clingy” niya sayo. Tapos maiisip mo na lang na sobrang swerte mo pala sa kanya kasi sobrang mahal ka niya at ipinagdadamot ka lang pala niya sa iba. Na kahit magulo minsan sa inyong dalawa, mas magulo at di ka magiging masaya kapag nawala siya.

Xoxo,
TCL

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento